Mogadishu, Somalia – Limampu’t dalawa na ang kumpirmadong nasawi habang mahigit naman sa 100 iba pa ang sugatan sa pag-atake ng mga terorista sa Mogadishu, Somalia.
Sa inisyal na report, naganap ang pagsalakay ng teroristang grupong Al-Shabaab sa paligid ng Sahafi Hotel na sikat sa mga turista at mga mamamahayag.
Tatlo kotse na nakaparada sa lugar ang sunud-sunod na sumabog bago tinangka ng mga terorista na salakayin ang hotel. Lima sa mga ito ay napatay ng mga pulis.
Simula pa noong 2006 naglulunsad ng pag-atake sa Mogadishu ang Al-Shabaab na kaalyado ng Al-Qaeda. Target ng mga terorista ang mga dayuhan, international aid worker, mamamahayag, government official at mga pulis at sundalo.
Noong nakaraang buwan, 27 ang nasawi ng pasabugin ng mga ito ang dalawang car bomb malapit sa Presidential Palace.