TERROR ATTACK | Higit 30 patay, sa panibagong suicide bombing sa Afghanistan

Kabul, Afghanistan – Pumalo sa 31 tao ang patay habang higit 50 ang sugatan sa nangyaring suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.

Naganap ang insidente habang isinasagawa ang registration ng parliamentary at district council election sa buwan ng Oktubre.

Sa ulat, naglalakad lamang ang suspek bago nito pinasabog ang nasabing bomba.


Inako na ng ISIS ang insidente habang kinondena na ni Afghanistan President Ashraf Ghani ang panibagong terror attack.

Facebook Comments