TERROR ATTACK | Mga nasawi sa Kabul, Afghanistan, ipinagdasal ni Pope Francis

Vatican – Ipinagdasal ni Pope Francis ang mga biktima ng madugong terror attack sa Kabul, Afghanistan na ikinasawi ng mahigit isandaang katao.

Sa lingguhang misa ng Santo Papa sa Vatican, nanawagan siya sa iba’t ibang mga bansa na magtulungan para malabanan ang terorismo.

Maging si US President Donald Trump ay nanawagan sa mga kaalyadong bansa ng mas matinding opensiba laban sa mga terorista.


Aniya, may mga US troops na patungo sa Afghanistan para labanan ang mga Taliban.

Bukod sa mga nasawi, mahigit 200 iba pa ang nasugatan sa pag-atake.

Facebook Comments