Egypt – Aabot sa 235 katao ang namatay habang nasa 109 ang nasugatan sa pag-atake sa isang mosque sa Northern Sinai Peninsula sa Egypt.
Ayon sa Egyptian security officials, inatake ng mga militante ang Al-Rawdah mosque sa bayan ng Bir Al-Abd sa North Sinai Province Na El-Arish.
Sa ulat ng Mena, may mga kalalakihan na sakay ng apat na sasakyan ang nagpaulan ng bala sa mga nagdarasal sa mosque kung saan nagpasabog din sila ng bomba.
Agad namang nagpatawag ng emergency security meeting si Egyptian President Abdel Fattah El Sisi matapos ang insidente.
Matatandaan na ilang taon ng nilalabanan ng pamahalaan ng Egypt ang “armed movement” sa Sinai Peninsula na naging mapayapa mula ng mapatalsik sa pwesto si dating Pangulong Mohamed Morsi ng Muslim brotherhood noong 2013.