Terror attack sa London – inako na ng teroristang grupong ISIS

London – Inako na ng teroristang ISIS ang pinakahuling terror attack sa London na ikinamatay ng pitong katao.

Pero sa kabila nito, hindi naniniwala ang mga otoridad sa London dahil sa walang naipakitang ebidensya ang teroristang grupo.

Sa nasabing pag-atake, sinagasaan ng suspek ang mga katao at pagkatapos ay pinagsasaksak pa ang ibang mga biktima.


Ito na ang pangatlong terror attack sa London sa loob lamang ng tatlong buwan.
DZXL558

Facebook Comments