Terror threat sa United Kingdom, ibinaba na sa severe

World – Ibinaba na sa severe mula sa critical ang terror threat sa United Kingdom.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto ng dalawang suspek na responsable sa pagpapasabog sa london tube train.

Sa nasabing level, maaaring wala ng kasunod pang insidente pero nananatiling nakaalerto ang mga otoridad.


Ayon kay Home Secretary Amber Rudd, nasa kustodiya na nila ang 21-anyos at 18-anyos na mga suspek na nagpasabog sa parsons green station.

Dagdag pa ni Rudd, walang ebidensya na nag-uugnay na may kinalaman ang Islamic State sa nasabing pagsabog.

Facebook Comments