TERRORIST ATTACK | DFA, pinayuhan ang mga Pinoy sa Surabaya, Indonesia na manatiling mapagmatyag

Manila, Philippines – Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Surabaya, Indonesia na mag-ingat at manatiling vigilante kasunod ng serye ng suicide bombing kung saan may mga napaulat na nasawi at sugatan.

Ayon sa DFA pinayuhan na nila ang 250 Filipinos na nakatira at nagta-trabaho sa Surabaya na hanggat maaari ay manatili muna sa loob ng kanilang tahanan hanggat bumalik sa normal ang sitwasyon doon.

Kasunod nito malugod namang ibinalita ng ahensya na walang nadamay na Filipino sa sunod-sunod na terrorist attack.


Kamakailan lamang sampu ang namatay habang mahigit apatnapu ang naitalang sugatan kabilang na ang dalawang pulis sa pagpapasabog sa tatlong Catholic church.

Samantala, tiniyak ng ating embahada sa Jakarta Indonesia na patuloy nilang i-mo-monitor ang sitwasyon ng mga Filipino sa nasabing bansa.

Inilunsad din ang embahada ang isang hotline 62.878.85373273 para sa emergency concerns ng mga Filipino.

Facebook Comments