Manila, Philippines – Kinondena ng France ang nangyaring pagsabog sa Lamitan City, Basilan na itinuturing nilang terrorist attack.
Sa statement ng French Embassy sa Manila, nagpaabot sila ng simpatya at pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.
Nakikiisa ang France sa Pilipinas sa paglaban nito kontra terorismo.
Bukod sa France, nagpahayag din ng pakikiisa ang Estados Unidos sa bansa sa pamamagitan ni US Ambassador Sung Kim.
Ani Kim, handa ang US na makipagtulungan sa mga Pilipino na maisulong ang kapayapaan at kasaganahan.
Facebook Comments