Terrorist leader, napatay ng militar

Naneutralisa ng 5th Infantry Division ng Philippine Army ang communist terrorist leader ng komiteng rehiyon Cagayan Valley na si Edgar Arbitrario, alyas “Karl”.

Si alyas “Karl” ay sangkot sa kaliwa’t kanang terrorism activities sa Campostela Valley at Davao del Norte.

Naaresto ito noong February 2016 dahil sa kasong murder at double attempted murder.


Sa report ng PA, nitong September 11 ay nakasagupa ng militar ang grupo ni alyas “Karl” sa Barangay Baliuag, Peñablanca, Cagayan.

Nagtamo ng sugat ang terorista sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan kung saan ang kanya labi ay nadiskubre sa encounter site nitong September 13, 2024.

Samantala, sinabi ni Major General Gulliver Señires, Commander ng 5th Infantry Division na taus-puso silang nakikiramay sa naulilang pamilya ni alyas “Karl”.

Nangako rin ang militar na patuloy nilang tutugisin ang mga rebelde upang mawakasan ang insurhensya sa bansa.

Facebook Comments