Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinoproseso na ng kanilang regional offices ang “Tabang OFWs” o ang 1-billion pesos package na tertiary education assistance para sa dependents ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na tinamaan ng COVID-19.
Partikular na sinusuri ng DOLE regional offices ang applications para matiyak na magiging maayos ang implementasyon ng pagbibigay ng P30,000 cash sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Nilinaw naman ng DOLE na ang assistance ay first-come, first-serve basis kaya pinapayuhan ang OFWs na mag-apply na sa mga regional office.
Sakop ng programa ang mga gastusin sa eskwelahan, kabilang na ang mga textbook o learning materials, academic at mga extra-curricular na mga gastusin, board and lodging, damit, transportasyon, pangangailangan sa medical, at school supplies.