Tertiary Education Behind Bars Program ng Rizal Technological University para sa mga PDL ng BJMP-Mandaluyong, inilunsad katuwang ang RMN Foundation

Ilulunsad ngayong araw ang “Tertiary Education Behind Bars”, para sa mga persons deprived of liberty (PDL) katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Mandaluyong City Jail.

Nasa 42 persons deprived of liberty o PDL ng BJMP-Mandaluyong City Jail ang makikinabang sa kalulunsad lamang na “Tertiary Education Behind Bars” ng Rizal Technological University.

Sa panayam ng DZXL News kay Ricardo H. Momongan, Jr. Director of Extension and Community Services Office, ang mga PDL ay magiging regular na estudyante habang sila ay nakakulong.

Aniya, may mga four-year course ino-offer sa mga PDL na pinili ng BJMP para makapag-aral.

Tiniyak ni Momongan na tutulungan nila ang mga PDL hanggang sila ay makapagtapos at makapaghanap ng trabaho.

Kaisa ang RMN Foundation na sumusuporta sa free higher education para sa mga tinawag na Change Behind Bars (CBB) learners.

Facebook Comments