TESDA | 2 araw na National Technical Vocational Education Training, naging matagumpay

Manila, Philippines – Naging matagumpay ang isinagawang 2-araw na National TVET Enrolment and Jobs Bridging ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon sa ahensya, umabot sa 192,654 ang nagpatalang mga enrollees para maging bagong scholars sa iba’t ibang Technical Vocational Education And Training (TVET) qualifications sa buong bansa.

Pasok sa top 5 sa mga kursong nais kunin ng mga enrollees ay ang Driving, Computer Systems Servicing, Bread and Pastry Production, Cookery at Dressmaking.


Ang nasabing National TVET Enrolment at Jobs Bridging ay ginanap nito lamang February 27-28, 2018 sa buong bansa.
<#m_6261931180906323137_m_8242840360811486908_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments