
Muling binuksan sa mga estudyante ang isang programa para makapasok at matuto ang mga estudyante bilang isang content creator.
Sa isinigawang launching sa Nazareth Institute of Alfonso na TESDA accredited, sinabi ni Wilbert Tolentino na mas palalawakin pa nila ang programang “content creation” for livelihood program na nag-ooffer sa mga mag-aaral na magkaroon ng kaalaman sa video o content creation.
Mula 600 na mga mag-aaral mayroon pang natitirang mahigit 200 na estudyanteng nagpapatuloy pa sa nasabing kurso kung kaya nais pa nilang palawigin ito.
Kung kaya nag-offer ng mga scholarship sa mga nais pumasok sa mundo ng video at content creation.
Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin sila sa lokal na pamahalaan para masigurong ligtas ang naturang paaralan sa mga estudyante lalo pa’t sunod-sunod ang kalamidad gaya ng lindol at mga bagyo.
Samantala, kaliwa’t kanan na ang renovation na ginagawa nila sa paaralan para ma-modernize ang ilang kagamitan gaya ng paglalagay ng TV, pagpapalit ng mga black board at paglalagay ng basketball court sa naturang paaralan.









