TESDA at DOTR inulunsad ang tsuper iskolar

Inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Transportation (DOTr) ang isang scholarship program na tinatawag na “Tsuper Iskolar”.

Ang nasabing programa ay para sa mga jeepney drivers, operators at iba pang stakeholders sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP.

Ayon sa TESDA at DOTr 900 benepisyaryo mula sa 6 na distrito ng Pangasinan ang makakatanggap ng libreng training para magkaroon ng karagdagang kaalaman at skills sa transport industry.


Layon nitong magbigay ng pagsasanay sa mga benepisyaryong magpatuloy sa industriya sa ilalim ng PUVMP gayundin ang mga bagong pasok na driver-operator.

Nakapaloob din sa stakeholder support mechanism ang paglalaan ng entrepreneurship training sa mga benepisyaryo kabilang na ang mga driver-operator na kusa ng aalis sa industriya upang sila ay magkaroon ng karagdagang skills para sa papasukin nilang bagong trabaho.

Matatandaan noong December 2018 nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng TESDA at DOTr para sa stakeholder support mechanism sa ilalim ng PUVMP.

Facebook Comments