TESDA, hinikayat ang publiko na subukan ang urban farming upang matugunan ang kakulangan ng pagkain

Nanawagan si Secretary Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko na subukan ang urban farming lalong-lalo ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Lapeña, sa panahon ng krisis, posible tumaas ang mga bilihin dahilan para magkaroon ng kakulangan ng pagkain.

Para aniya mapunan ito, kailangan matuto na ang publiko sa pagtatanim ng mga gulay sa kanilang mga bakuran.


Ito ang sagot upang mapanatili na meron pagkain o magkaroon food security ang bansa.

Tiniyak naman ng kalihim na meron mga protekto ang TESDA kaugnay sa pang-arikultura at handa ang kanilang ahensya na magbigay ng kasanayan tungkol sa makabago at tamang pagtatanim.

Katunayan aniya, noong nakaraang taon, prioridad anila ang pagbibigay ng pondo sa mga skills training para sa agri-sector.

Sa kasalukuyan, mayroong siyam na agricultural short courses ang ahensya naitinuturo sa pamagagitan ng kanilang website na www.e-tesda.gov.ph at TESDA App.

Facebook Comments