TESDA, humihingi ng P15 bilyon na pondo sa ilalim ng 2022 budget

Humihingi ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Kamara ng P15 billion na pondo sa ilalim ng 2022 national budget.

Sa pagdinig ng House Committee on Higher Education and Technical Education, sinabi ni TESDA Executive Director Rosalina Constantino na ang proposed budget sa susunod na taon ay tumaas ng 5% kumpara sa P14.464 billion na ibinigay sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.

Para sa susunod na taon, ang kabuuang halaga na iminumungkahi ng ahensya para kanilang maging pondo ay P15.769 billion.


Sinabi ni Constantino na makakatulong ang pondong ito para sa long-term resilience ng mga Pilipino. Bukod dito ay upang matulungan ang mga manggagawa sa patuloy na nagbabagong mundo sa panahon ng Technological Transformation.

Ang kanilang proposed budget ay hahatiin sa dalawang tiers: ang una ay P13.736 billion habang ang ikalawa naman ay P2.032 billion.

Facebook Comments