TESDA ISABELA, KINILALA BILANG BEST PROVINCIAL OFFICE

CAUAYAN CITY – Kinilala at pinarangalan bilang Best Provincial Office sa Medium Province Category ang TESDA Isabela sa ginanap na seremonya ng TESDA Organizational Excellence Award (TOEA) sa World Trade Center, Pasay City.

Maliban sa plake ng pagkilala na natanggap ng ahensya, binigyan din sila ng cash prize na nagkakahalaga ng P72,000.

Ilan sa mga achievements ng TESDA Isabela ay ang pagbuo ng tatlong Competency Standards pagdating sa Digital Agriculture, Pest and Nutrient Management, at Farm Equipment Fabrication.


Pinasinayaan din nila ang kanilang Provincial Building Office na pinondohan ng mga lokal na opisyales.

Samantala, patuloy naman ang pag-aabot nila sa mga Isabelinos ng dekalidad na edukasyon at pagsasanay.

Facebook Comments