TESDA ISABELA, PATULOY ANG PAG-AGAPAY SA BAYAN NG SAN MARIANO

Nagpapatuloy ang ginagawang pag-agapay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Isabela sa bayan ng San Mariano sa pamamagitan ng pagsasagawa ng training at pamamahagi ng toolkits sa mga mamamayan.

Ipinasakamay ng ahensya ang mga toolkits partikular ang Knapsack Sprayer sa mga nagsasanay ng Animal Production (Swine) NCII sa Brgy.

Gangalan nitong Huwebes, ika-29 ng Setyembre taong kasalukuyan. Katuwang ng TESDA Isabela sa nabanggit na pamamahagi ang LGU San Mariano sa pamumuno ni Mayor Edgar Go at 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion.

Samantala, matagumpay din na isinagawa nitong ika-30 ng Setyembre ang libreng Theoretical Driving Course sa nabanggit na bayan sa pangunguna ng TESDA-ISAT mula sa pamumuno ni Superintendent Edwin Madarang, na makatutulong sa mga mamamayan na sa kanilang pagkuha ng Drivers License.

Layunin nito na magbigay ng tulong sa pamamagitan ng iba’t ibang trainings na makapagbibigay ng ibayong kaalaman at kasanayan sa mga mamamayan na magagamit bilang pangkabuhayan.

Facebook Comments