TESDA, kumpiyansang mas maraming oportunidad na makahanap ng trabaho ang mga skilled worker

Naniniwala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mas maraming multi-skilled workers ang pantapat sa unemployment sa bansa.

Ayon kay TESDA chief Suharto Mangudadatu ang mga nnghahanap ng trabaho ay maaring makalipat ng sektor at doon makahanap ng bagong oportunidad.

Bukod pa dito, hindi basta basta matatanggal sa trabaho ang isang multi skilled worker sa oras na magkaroon ng lay-off dahil sa dami nitong alam na gawin.


Kaya naman patuloy na hinihimok ng TESDA ang publiko na kumuha ng vocational education training para maging isang multi skilled worker.

Samantala, sa mga nais na makakuha ng vocational training ay puwede nang mag-register sa tesda.gov.ph o pumunta sa pinakamalapit na TESDA offices.

Facebook Comments