TESDA, magkakasa ng technical vocational education at job fair ngayong buwan

*Manila, Philippines – Kasabay ng pagpapauwi sa libo-libong distressed Overseas Filipino Workers galing Kuwait, magsasagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 2 araw na National Technical and Vocational Education and Training (TVET) Enrolment and Job fair.*

*Ayon kay TESDA Director General Guiling Mamondiong gaganapin ang TVET at job fair sa darating na Pebrero 27 at 28.*

*Sa memorandum na inilabas ng TESDA para sa mga regional & provincial directors ng ahensya ang programa ay sabay na isasagawa sa mga munisipalidad at kapitolyo ng mga lalawigan habang sa mga lungsod ang enrollment at job fair ay isasagawa sa bawat distrito.*


*Kaugnay nito hinihimok ng TESDA ang mga uuwing OFW at ang mga gustong makapagsanay sa mga iniaalok na kursong vocational ng TESDA na lumahok at magpatala sa gaganaping 2 araw na National Technical and Vocational Education and Training **Enrollment** at Jobs* *fair.*

*Ang enrolment ay bukas para sa mga Filipino na may edad 15 at pataas na interesado sa iba’t ibang Technical-Vocational (Tech-Voc) courses.*

Facebook Comments