TESDA, muling bubuksan ang competency assessment para sa mga OFW

Inanunsyo ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na muling magpapatuloy ang competency assessment nito para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Batay sa inilabas na kautusan ni TESDA Secretary Isidro Lapeñana, maaari na muling kumuha ang mga OFW sa bansa ng kanilang National Certificates bilang bahagi ng kanilang requirement upang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Ipinag-utos din niya sa mga Regional at Provincial Director ng TESDA na sumunod sa mga health protocol bago magpatupad ng assessment.


Kailangang makipag-ugnayan ang mga TESDA Regional Office sa mga Local Government Unit (LGU) bago magsagawa ng assessment sa mga OFW at ang mga Provincial Director naman ay kailangang tiyakin na ligtas kontra COVID-19 ang assessment center.

Dapat din nasa 50% lang ang papayagang makakuha ng assessment mula sa kabuuang bilang ng capacity ng assessment center kada assessment schedule.

Facebook Comments