Inaalok ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang mga technical-vocational training para sa umuusbong na ‘green jobs.’
Ayon kay TESDA Spokesperson Florencio Sunico – ang pagsasanay na ito ay para sa mga trabahong nakakatulong sa pangangalaga ng kalikasan.
Kabilang sa benepisyo ng Tech-Voc training para sa mga kursong ganito ay ang 160 pesos na daily allowance basta pasok sa requirements ang trainees.
Isinama na rin sa green training ang iba pang mga kurso tulad ng agriculture and fishery, land transport and e-vehicles, construction, refrigeration at air conditioning.
Sa ngayon, inaayos na ng TESDA ang kanilang online platform at hotline kung saan maikokonekta ang mga TESDA graduates sa agarang pangangailangan ng kanilang skills.