Nag-donate ng Solar Street Light Panel ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamahalaang lungsod ng Marikina.
Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, ito ay bilang bahagi ng TESDA National Capital Region’s “Bayanihan sa Marikina” sa pamamagitan ng TESDA PaMaMaRiSan.
Aniya, ang Barangay J. Dela Peña ng lungsod ang makatatanggap ng naturang solar light at agad naman itong tinanggap ng kapitan ng naturang Barangay na si Chairperson Ariel Lazaro.
Maliban dito, nagbigay rin ang TESDA ng Portable Solar Charging Station at relief packs para sa apektado ng Bagyong Ulysses sa nasabing lungsod.
Noong nakaraang linggo, ang Marikina City ang nag-iisang lungsod sa Metro Manila na lubhang napinsala matapos magkaroon ng malawak at lagpas tao na baha na dulot ng Bagyong Ulysses.