TESDA, nagsasagawa ng skills training program sa mga bakwit sa Marawi

Manila, Philippines – Umarangkada na ang skills training program ng Technical Education and Skills Development Authority para sa internally displaced persons na biktima ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay TESDA Director General Guiling Mamondiong ang skills training ay isinasagawa sa mga bakwit na lumikas sa Iligan at Cagayan de Oro City.

Sinabi pa nito na target ng programa na makapagsanay ng 20,000 construction workers para sa reconstruction and rehabilitation program ng gobyerno na uumpisahan pagtatapos ng Marawi siege.


Kasunod nito nakikipag ugnayan na ang TESDA sa Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development, at Department of Agriculture para sa pagpapatupad ng nasabing programa.

Tiniyak din nito na mayroong aasahang trabaho ang mga evacuees kapag sila ay nagbalik na sa Marawi City.

Facebook Comments