Nanguna ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa may pinakamataas na approval rating sa lahat ng mga kawani ng national government.
Sa isinagawang survey ng PUBLiCUS Asia, sa first quarter ngayong taon, nakakuha ng 62.1% approval rating ang TESDA.
Sinundan ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakakuha ng 60.1% at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may 13.9% approval rating.
Pumangalawa naman ang TESDA sa trust ratings kung saan nakakuha ito ng 42.8% at sinundan ng AFP na mayroong 43.9%.
Ayon sa PUBLiCUS Asia, ang nasabing survey ay ipinakita ang lahat ng pangunahing ahensya ng pamahalaan at sinuri sa pamamagitan ng Likert scale, ang pinaka commonly-used system na ginagamit sa pananaliksik kung saan nagbibigay ng questionnaires sa mga respondent.
Ginawa ang nasabing suvery nationwide mula March 20 hanggang 29 ngayong taon sa 1,500 respondents.