TESDA, nakipag-ugnayan sa mga embahada para magkaroon ng language proficiency and culture training ang mga OFWs

Manila, Philippines – Upang matulungan ang mga kababayan nating nagbabalak na magtrabaho sa ibang bansa, nakikipag-ugnayan na ngayon ang Technical Education and Skills Development Authority sa mga embahada na nakabase sa Pilipinas para magkaroon ng language proficiency and culture training sa kanilang pupuntahang lugar.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong, sa pamamagitan nito ay magiging madali na sa mga kababayan nating nagnanais na magtrabaho sa labas ng bansa na makipag-usap at makibagay sa mga naninirahan sa kanilang pupuntahang bansa.

Lumalabas sa isinagawang pag-aaral na ang pagkakaroon ng kaalaman sa lenguwahe at kultura ng pupuntahang bansa ay isang malaking tulong para sa mga Overseas Filipino Workers dahil napabubuti nito ang serbisyo na ipagkakaloob ng isang empleyado.


Kabilang sa mga pinadalhan ng liham ng TESDA ang Spanish Embassy, People’s Republic of China Embassy, Embassy of United Kingdom, Vietnamese Embassy, Malaysian Embassy, Embassy of Kingdom of Saudi Arabia, Japanese Embassy, Korean Embassy, Italian Embassy, French Embassy, Russian Federation Embassy at German Embassy.

Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang TESDA kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello para sa pagpapatupad ng nasabing proyekto.

Facebook Comments