Nilinaw ng Technical Education and Skills Development Authority – National Capital Region (TESDA – NCR) na ibinabatay nila sa kakayanan at hindi sa edad ang pagtanggap ng mga makakasali sa mga programa ng TESDA.
Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni TESDA-NCR Assistant Regional Director (ARD) Cariza Dacuma, may isinasagawang assessment sa bawat aplikante sa bawat kurso ng TESDA upang masukat kung may kakayanan ang mga ito.
Halimbawa aniya, ang mga matatanda na malabo ang mata na kumuha ng kurso sa welding ay hindi na pinapayagan na kumuha ng kursong ito.
Kaugnay dito, sinabi naman ni ARD Dacuma na 85% ng mga graduate ng TESDA ang nakakahanap agad ng trabaho.
Facebook Comments