TESDA REGION 1, INILATAG ANG ILAN NILANG PROGRAMANG HATID; RICE EXTENSION SERVICES PROGRAM, ISA SA KANILANG PRAYORIDAD

Inilatag ng Technical Educational and Skills Development Authority Region 1 ang iba’t-iba nilang skills and training program na hatid para sa mga mamamayan sa rehiyon uno na nais matuto at magkaroon ng proper training.
Isa sa programang inilulunsad ng TESDA region 1 ang ang kanilang programa ukol sa Rice Extension Services Program na nakatutok sa production ng bigas at tinuturuan na magtanim ang mga farmers ng modern techniques kung kung paano mag-produce ng bigas ng mas maganda at maging mas competitive pagdating sa produksyon ng bigas.
Ayon kay TESDA region 1 Regional Director, Vincent Cifra, isa sa kanilang prayoridad ay hindi lang para magkatrabaho ang mga tao sa rehiyon uno kung hindi pati na rin tulungan sila na makapagbigay ng pera sa kanilang mga pamilya gamit ang mga skills na natutunan nila sa iba’t-ibang skills training program ng TESDA.

Inihayag rin ni Cifra ang mga scholarship programs na hatid ng TESDA na malaki ang tulong at may mga benefits para sa mga nais matuto at magkaroon ng formal training. Malaki itong tulong sa mga mamamayan ng rehiyon uno at makapagbibigay sa kanila ng oportunidad upang kumita at magkatrabaho. |ifmnews
Facebook Comments