Nagbabala ang Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) Region 1, laban sa mga indibidwal na nag-aalok ng National Certificates (NCs) mula sa kanilang tanggapan kapalit ang bayad o mas malaking assessment fee o naniningil para sa TESDA sanctioned reviews.
Ayon sa tanggapan wala umano sa kahit na anong provincial office nila ang ganitong sistema at sinabing huwag magpapaloko.
Iginiiit ng TESDA na nakukuha lamang ang NCs kapag naipasa na ang kanilang assessment. Kung ang indibidwal ay isang scholar wala umanong bayad at mayroong tamang proseso.
Pagdating naman sa assessment fee ito lamang ay takdang halaga na ibinase ng tanggapan depende sa qualification.
Wala rin umanong sanctioned reviews at sanctioned review centers.
Nagpapalala ang tanggapan na magtanong mismo sa mga indibidwal na nasa loob ng TESDA at hanapan ng ID ang sinomang indibidwal na kakausap sa mga kliyente ng tanggapan. | ifmnews
Facebook Comments