TESDA training program, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinapasilip ng 17 kongresista ng Kamara ang umano’y depektibo at mahinang training programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kasunod ito ng ulat ng Commission on Audit (COA) na 6% lamang o anim sa kada 100 TESDA graduates ang natatanggap sa trabaho.

Sa inihaing House Resolution 1394, pinaiimbestigahan sa Kamara ang kabiguan ng TESDA na epektibong gampanan ang mandato nito sa ilalim ng batas sa kabila ng dagdag na pondo kada taon.


Sa COA report, sinita ang TESDA sa mahinang performance ng Special Training for Employment Program (STEP) nito na layon sanang matulungan ang mga mahihirap na Pilipino na magkatrabaho.

Partikular na pinuna ng COA na noong 2019, mula sa mahigit 75,000 graduates sa ilalim ng STEP, 5.64% lamang o 2,451 ang nagkaroon ng trabaho na malayo sa target ng ahensya na 65% employment rate.

Facebook Comments