Nilinaw ng Department of Tourism (DOT) na halos karamihan ng pangunahing tourist destinations sa bansa ay ire-require pa rin sa mga biyahero o turista na magpakita ng negatibong swab test bago sila papasukin.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kailangang magpakita ng negatibong RT-PCR test ang mga turista sa Boracay (Aklan), El Nido at Coron (Palawan), San Vicente at Puerto Galera.
Bukod dito, magre-require din ng negative swab test ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Siargao, Siquijor, Dumaguete at Iloilo.
Pero binigyang diin ni Puyat na nasa Local Government Units (LGUs) pa rin kung bubuksan nila ang kanilang border sa mga turista.
Facebook Comments