Testigo sa “pastillas” scam, hindi dapat sinuspende ng Ombudsman – Hontiveros

Pinuri ni Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senator Risa Hontiveros ang anim na buwang suspension ng Ombudsman sa mahigit 40 mga tauhan at opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas” scam.

Bilang nangunguna sa pagdinig ng Senado ukol sa “pastillas” scheme ay natutuwa si Hontiveros na may ibinubunga na ang pagkilos ng mga law enforcers at sakripisyo ng mga whistleblowers.

Gayunpaman, umapela si Hontiveros sa Ombudsman na bawiin ang suspension kay Immigration Officer 2 Jeffrey Dale Ignacio na mahalagang testigo sa pagdinig ng Senado at sa imbestigasyon din ng National Bureau of Investigation (NBI).


Paliwanag ni Hontiveros, ang testimonya ni Ignacio ay nagbigay ng kumpletong larawan sa sistema ng katiwalian sa BI.

Umaasa rin si Hontiveros na hahabulin ng Ombudsman ang mga big fish o malalaking personalidad sa katiwalain gayundin ang mga umalis na sa BI.

Facebook Comments