Testimoniya ni Atty. Gadon sa pagdinig ng House Committee on Justice kung saan nabanggit ang pangalan ni Jomar Canlas, pinabulaanan ni Justice Teresita de Castro

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Justice Teresita Castro ang naging salaysalay ni Atty. Lorenzo Gadon, sa House Justice Committee kung saan dinidinig ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Sa nasabing pagdinig, nabanggit ni Atty. Gadon ang pangalan ni Jomar Canlas, Manila Times Reporter, bilang kaniyang source, na di umano’y personal na nakausap ni Castro kaugnay sa mga falsification ng mga dokumento na ginawa ng Chief Justice.

Sa maikling pahayag na ipinadala ni Justice Castro sa pamamagitan ni Atty Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, sinabi nito na kahit kailan ay hindi ito nag bigay kay Canlas ng kahit ano mang ulat, dokumento o impormasyon na may kinalaman sa korte.


“I have never released to Jomar Canlas any information, report, or document regarding the work of the Court.” – Justice Teresita de Castro.

Facebook Comments