Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III na hindi na dapat dinggin pa ng senado ang testimonya ng apat pang kasamahan ni SPO3 Arthur Lascañas sa Davao Death Squad o DDS.
Giit ni Sotto, sa oras na magsagawa muli ng pagdinig ang senado ay mahuhulog lang ito sa patibong ng mga gustong mapahaba ang teleserye ukol sa umanoy mga kasalanan Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinang ayunan din ni Sotto ang pahayag ni Senator Panfilo Ping Lacson na ang nakikitang niyang tanging layunin ng mga testimonya ni Lascañas ay destabilsasyon sa Duterte administrasyon.
Ang pahayag ni Sotto ay makaraang kumpirmahin ni Senator Trillanes na may apat pang kasamahan sina Lascañas at Edgar Matobato sa DDS na plano ring lumutang at maglahad ng katotohan tungkol sa DDS at mga isinagawa nitong pagpatay base sa utos ni Pangulong Duterte na noon ay Davao City Mayor pa.