Testimonya ng piping saksi sa pagpatay kay Christine Silawan, pinag-aaralan na ng PAO

Pinag-aaralan na ng Public Attorney’s Office ang testimonya ng piping saksi sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) lalo na’t hindi pa nila itinuturing na sarado na  ang kaso bagamat naaresto na ang suspek na dating kasintahan ni Christine.

Naninindigan si Acosta na hindi lang isang tao ang nasa likod ng pagkawala ng internal organs ng teen-ager.


Duda rin si Acosta dahil malinis ang pagkakatapyas sa mukha ng biktima at maging ang buto nito sa mukha ay walang palatandaan na kinayod ito bukod sa hindi aniya madali ang pagtanggal sa internal organs.

Facebook Comments