Testimonya ni JP Solano sa executive session, planong isapubliko ng Senado

Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ngayong alas-9:30 ng umaga ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang ikalawang pagdinig ukol sa pagkamatay ng freshman UST law student na si Horacio Tomas Castillo III dahil sa hazing na isinagawa ng Aegis Juris Fraternity noong September 16.

Ayon sa Chairman ng komite na si Senator Panfilo Ping Lacson, plano niyang isapubliko ang testimonya ni john paul solano sa isinagawa nilang executive session.

Sabi nila Lacson, yun ay gagawin nila kapag hindi pa rin tinupad ni Solano ngayon ang pangako niyang pagsusumite ng sworn affidavit.


Bago ang hearing, ay magkakaroon din aniya muna ng caucus silang mga senador para pag-usapan ang pagsasapubliko sa transcript ng naturang executive session.

Maliban kay Solano, ay 14 pang indibidual na pawang nadadawit sa hazing ang pinadalhan ng subpoena ng Senado para humarap sa pagdinig ngayong araw.

Ayon kay Lacson, kapag sila ay nabigong dumating ay ipapa-contempt sila at ipapaaresto ng Senado.

Kabilang dito sina:
Ralph Trangia
Arvin Balag
Aeron Salientes
Mhin Wei Chan
Mark Anthony Ventura
Oliver John Audrey Onofre
Ranie Rafael Santiago
Zimon Padro
Joshua Joriel Macabali
Karl Matthew Villanueva
Jose Miguel Salamat
Danielle Hans Matthew Rodrigo
Axel Munro Hipe
Marcelino Bagtang

Facebook Comments