Testing at evaluation ng mga bagong biling body cameras ng PNP, natapos na

Naisailalim na sa field functional testing at evaluation ang mga bagong biling body cameras ng Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga ng P289 million.

Ayon kay PNP Directorate for Logistics MGen. Angelito Casimiro, nagpapatuloy ngayon ang pamamahagi ng mga body cam at configuration sa computer system para makita kung talagang gumagana ang mga ito.

Nasa mahigit 2,600 body cam ang ipinamamahagi sa mga police units sa national headquarters, regional police offices, provincial offices hanggang sa municipal police stations sa buong bansa.


Matatandaang nabili noong taong 2019 ang mga bagong body cameras na ang layunin at magamit ng mga pulis sa kanilang mga anti-illegal drug operations.

Nais ng PNP na maging transparent ang mga drug operation ng PNP at hindi maakusahan ng extra judicial killings.

Matatandaang naging kontrobersyal noon ang isyu ng extra judicial killings matapos na mapatay ng mga pulis Caloocan ang 17 anyos na si Kian Delos Santos sa kanilang anti-illegal drug operation.

Facebook Comments