Testing services, dapat palaging available para sa lahat ng healthcare workers – DOH

20

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga pampubliko at pribadong ospital, health facilities, at Temporary Treatment and Monitoring Facilities na tiyaking available ang testing services para sa lahat ng healthcare workers.

Batay sa Interim Guidelines on Mandatory COVID-19 Testing ng Public at Private Health Workers, inaatasahan ang mga ospital na magkaroon ng testing services para sa lahat ng health frontliners na direktang expose sa mga taong suspected, probable, o confirmed COVID-19 cases.


Hinikayat din ng DOH ang mga healthcare workers na isumbong sa kanila ang mga ospital na hindi nagbibigay ng mandatory testing.

Maaari silang magtungo sa tanggapan ng DOH o tumawag sa kanilang hotline 1555 o sa DOH Complaints Handling Unit: dohpau.chu@gmail.com

Facebook Comments