Testing site para sa Grab drivers, inilunsad sa NCR

23

Inilunsad ng National Task Force against COVID-19, Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Grab Philippines ang RT-PCR testing site para mga driver at delivery partners sa Metro Manila.

Ang testing site ay matatagpuan sa Quezon City Memorial Circle.


Ayon kay Grab Philippines President Brian Cu, ang mga grab driver at delivery partners ay maaaring mag-avail ng libreng RT-PCR testing.

Pinapahalagahan nila ang kaligtasan ng kanilang mga partner.

Ang inisyatibo ay magtatagal sa loob ng dalawang buwan.

Sa ilalim ng programa, magbibigay ang Grab ng hygiene kits kabilang ang hand sanitizers at disinfectant spray sa higit 100,000 driver at delivery partners nito.




Facebook Comments