Testing, tracing at vaccination, dapat paigtingin sa dalawang linggong ECQ sa Metro Manila – Dr. Leachon

Hinimok ng health advocate na si Dr. Anthony Leachon ang pamahalaan na palakasin ang COVID-19 testing, contact tracing at vaccination sa Metro Manila habang isasalalim ito sa panibagong lockdown dahil sa banta ng Delta variant.

Suportado ni Leachon ang muling paghihigpit ng restrictions sa Metro Manila at kailangan ng ‘sense of urgency.’

Dapat unahan aniya ang banta ng variant kaysa magsisi sa huli at mapuno ang healthcare system.


Babala pa ni Leachon, na kapag nagpabaya ay posibleng magkaroon ng surge na mas matagal pa kumpara noong Marso at Abril.

Facebook Comments