Magpapatupad ang pamahalaan ng proactive measures para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga awtoridad na pabilisin ang test, trace, isolate efforts para maiwasang kumalat ang variant.
Palalakasin din ang pagbabakuna para maprotektahan ang mga tao mula sa virus.
Kabilang din sa istratehiya ng pamahalaan ay active case finding, pinaigting na contact tracing, mabilis na quarantine o isolation.
Inirerekomenda rin ang pagpapatupad ng localized lockdowns para makontrol ang outbreak.
Facebook Comments