Hindi makakadalo ng personal si dating Congressman Arnolfo “Arnie” Teves sa pagbasa ng sakdal sa kanyang kaso ngayong umaga sa Quezon City Regional Trial Court o QC-RTC Branch 77.

Ayon sa legal counsel na ito na si Atty. Ferdinand Topacio, naka-schedule ngayong umaga ang arraignment at pinayagan naman ito ng korte na humarap sa pamamagitan ng online.

Ang hindi pagdalo ni Teves ay dahil pa rin sa kalagayan nito.

Sinabi ni Topacio na nakararanas pa rin ng pananakit ng tiyan ang kaniyang kliyente bunsod na rin sa operasyon nito noong nakaraang buwan.

Si Teves ay may kinakaharap na kaso sa ilalim ng terrorist financing prevention act dahil sa sunod-sunod na pamamaslang sa Negros Oriental kabilang na ang pagpaslang kay Governor Roel Degamo.

Facebook Comments