Friday, January 16, 2026

Teves, nailipat na sa BJMP

Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni dating Congressman Arnolfo Arnie Teves na nailipat na sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Annex 2 bandang alas-8:30 kagabi.

Ayon kay Topacio, kasama sa naghatid kay Teves sina Atty. Raphael Andrada at ilang security personnel ng BJMP at ilang tauhan ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).

Nakararanas pa rin umano ng stomach pain si Teves pero hindi na parehas ng sakit gaya nang iniinda nito bago siya dalhin sa ospital.

Humiling din ng follow-up check up ang kampo ni Teves mula sa doktor nito sa Philippine General Hospital na isasagawa sa Annex 2 sa mga susunod na araw.

Facebook Comments