
Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang special treatment para kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves matapos makalabas sa Philippine General Hospital o PGH.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hindi nila papayagang ma-hospital arrest si Teves at wala ring ibibigay na preferential treatment.
Sinabi ni Remulla na tatratuhin si Teves bilang isang ordinaryong inmate gaya ng Persons Deprived of Liberty o PDL.
Binigyang diin ni Remulla na maayos na ang kalagayan ni Teves kaya pinalabas na ito ng ospital kaya naman ay kaya na nitong makulong.
Una rito, kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio legal counsel ni Teves na nailipat na sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Annex 2 dakong alas-8:30 kagabi.
Kasama aniya sa mga naghatid kay Teves sina Atty. Raphael Andrada at ilang security personnel ng BJMP at ilang tauhan ng PNP Special Action Force o SAF.









