TEXT ALERT | NDRRMC, humingi ng despensa sa mga nakatanggap ng text blast tungkol sa bagyo

Manila Philippines – Humingi ng pang-unawa ang NDRRMC sa mga nakatatanggap maya’t maya ng mga text mesaage na naglalaman ng babala kaugnay sa bagyo.

Kasunod ito ng kaliwa’t kanang batikos o pangba-bash sa social media na natatanggap ng NDRRMC.

Pero ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, hindi bale nang overacting kaysa naman sila ang masisi sa bandang huli.


Inihayag din ni Marasigan na dapat naman talagang maalarma ang mga taga-Caraga dahil sunod-sunod na bagyo na ang tumama sa kanilang lugar at nakapagtala na rin ng mga casualties.

Nanindigan ang NDRRMC na sa kabila ng mga pambabatikos sa social media patuloy silang magte-text blast kaugnay sa babala ng bagyo.
Pero may mga netizen naman ang positibo ang pagtanggap sa ginagawa ng NDRRMC dahil malaking tulong ito sa kanila para makapaghanda sa anumang kalamidad sa bansa.

Facebook Comments