Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang 20 text line numbers na maaring sumbungan ng mga suppliers o truckers na nahaharang sa mga checkpoint kasunod ng mga reklamong natatanggap ng kagawaran.
Ayon sa DA, kung ang truck o delivery vehicle ay mayroong “food pass” stickers, dapat silang papasukin sa checkpoint para hindi maantala ang pagde-deliver ng suplay ng pagkain.
Narito ang ilang sa mga numerong pwedeng sumbungan ng mga supplier o trucker:
- 0943-644-51-28
- 0917-843-48-51
- 0917-885-37-17
- 0928-266-40-25
Kailangan lamang i-text ng may reklamong supplier o trucker ang sumusunod na mga detalye: lokasyon ng checkpoint, oras na nasa checkpoint, plaka ng sasakyan, klase ng sasakyan at produkto na ibinabiyahe.
Samantala, nanagawan ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na payagang makadaan sa mga checkpoint ang mga magsasakang magsu-supply ng kanilang mga gulay sa Calabarzon at sa Metro Manila.
Giit ni Joint Task Force Corona Virus Shield Head Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, sa ilalim ng guidelines sa pagpapatupad ng lockdown ay malayang makabibiyahe ang mga may dalang supply ng basic goods, kabilang ang pagkain.
Dapat din, aniya, ang mga ipatutupad sa barangay checkpoint ay mga polisiya ng LGUs na nakalinya sa national government.