Text message na humihikayat ng suporta kay Cong. Lord Allan Jay Velasco na maging susunod na speaker, kumakalat sa Kamara

Kumakalat ang text message ngayon sa mga kongresista na nagsasabing suportahan sa Speakership sa 18th Congress si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

 

Ayon sa mga sources, diumano’y galing kay Davao City Mayor Sarah Duterte ang nasabing mensahe.

 

Batid din na malapit si Velasco kay Mayor Sarah lalo pa’t isinunod sa pangalan ng Alkalde ang pangalan ng anak ng kongresista.


 

Napapabalitang kabilang sa apat sa malalakas sa pagka-speaker sa 18th Congress si Velasco, Taguig Rep. Allan Peter Cayetano, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

 

Samantala, mamayang gabi ay nakatakdang magpulong ang mga kongresista at senador na kasapi ng PDP-LABAN na kinabibilangan nina Alvarez at Velasco upang pumili kung sino ang susunod na maging Speaker.

Facebook Comments