Pinasinungalingan ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang kumakalat na text blast na nag-aalok ng trabaho ang kanilang ahensya.
Mababatid na nakasaad sa text message na inaprubahan na umano ng ahensya ang isinumiteng CV kung saan may alok na trabaho na may arawang sahod na 2,889 pesos.
Ibinababala ng POEA na ang mga naturang klase ng mensahe ay isang phishing scam kung saan may link na kapag ay na-click ng biktima ay magrere-direct sa isang website na posibleng kumuha ng personal data na siyang gagamitin sa mga modus.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang mga ahensya ng pamahalaan upang makapanloko sa phishing scam.
Dahil dito ay kinalampag ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga ‘online shopping platforms’ na di umano ay ginagamit na plataporma upang magbenta ng mga SMS blast machines at kahalintulad na kagamitan na siyang ginagamit ng mga kawatan.