TEXT SCAM | Modus na paggamit sa pangalan ni Pangulong Duterte para makapanloko, nabisto sa Laguna

Laguna, Philippines – Sa Sta. Rosa City, Laguna, isa ang nabiktima ng text scam kung saan ginamit pa ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa salaysay ng hindi na nagpakilalang biktima – nakatanggap siya ng text kung saan nagpakilala ang isang Atty. Jay Santiago at sinabing nanalo siya ng 780,000 na mula raw President Duterte Foundation.

Pero bago ma-claim ang pera, kailangan muna niyang magpadala ng P5,800.


Pero nang hingan ulit siya ng pera, dito na siya naghinala at nagsumbong sa pulisya.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Sta. Rosa City Police ang numerong ginamit sa scam para matunton ang suspek.

Paalala naman ng mga pulis, huwag magpapaniwala sa mga text na nagsasabing nanalo ka ng malaking halaga ng pera lalo na kung wala namang sinasalihang raffle o promo.

Facebook Comments