Nagbabala ang textile industry sa anilay patuloy na pagbagsak ng kanilang industriya
Sa harap ito ng talamak na smuggling ng mga damit at tela sa bansa
Tinukoy ni Textile Producers Association of the Philippines Chairman Luna Go ang aniyay bagsak na bentahan ng tela sa Taytay, Rizal.
Ayon kay Go, 120-pesos ang bentahan ng tela sa Taytay habang sa kanila ay 160-pesos
Aniya, hindi nagbabayad ng buwis ang mga nasa likod ng smuggling sa Taytay kaya mas mababa ang presyo ng mga ito.
Sinabi pa ni Go na marami rin sa kanilang mga kasamahan sa industriya ang nagsasara ng negosyo dahil sa epekto ng pag-uunyon ng mga manggagawa.
Facebook Comments